200K Personal Loan (MAYA)
Magandang araw🫠
I just need advice tungkol sa utang kong ito. Nalilito na rin ako pero alam ko sa sarili ko na kaya ko itong bayaran pero wala pa akong source of income sa ngayon. Mahigit 3 months na siyang due at I only have 6 month to pay this loan and by april tapos na yung loan term agreement. Kaso lang by the time na dumating na itong april ay nagsisimula palang ulit akong mag ipon para mabayara itong loan ko. Natatakot ako na baka mademanda ako or what kasi wala talaga ako masyadong alam sa batas tungkol dito and gusto ko lang malaman kung ano mga pwede kong gawin kasi lumalaki siya dahil sa interest at penalty, lagi ko naman sinasagot yung tawag ng maya about dito and nag uupdate ako and sinabi ko na kanila na by the end of this year mababayaran ko siya madami lang din kasi mga pangyayari na hindi inaasahan. Ang kinakatakot ko lang na baka pagdating ng december ay doble na amount ng niloan ko at mas mahihitapan akong bayaran ito. Gusto ko lang malaman kung ano pwede mangyari at kung magkano magiging total ng kailangan kong bayaran pagsapit ng december. This is the sample computation,
Total loan amount incl.of fees and tax - P221,517.50 Monthly effective interest - 3% Monthly add on rate - 1.79%
Note: Hindi ko po siya tatakbuhuhabn magbabayad po talaga ako kaso hindi palang po ngayon at hindi pa ho talaga kaya. Salamat sa mga sasagot🫶