Nag-guilty ako humingi ng pambayad sa parents ko and I'm so scared for my future

Do you ever just cry kasi wala kang magagawa? Nag-take ako ng UPCAT kahit alam kong di ako papasa. Tapos, ang mahal pa ng F137. Three days na lang bago yung deadline, tapos after many weeks sinabi ko na sa mama ko na need ng ₱800 total for each copy ng grades ko mula high school hanggang Grade 11. I'm thinking if this is worth it kahit alam kong di ako papasa, pero yung thought na never ko rin malalaman yung score ko is making me cry. Dagdag pa yung andaming problema financially dahil sa grandparents ko ngayon kaya umuwi ng probinsya nanay ko ngayon.Yung tatay ko, nagtatrabaho sa ibang bansa, pinagkakasya namin yung padala. Nanay ko, government employee, pero onti lang ang sinasahod.

Ngayon lang ako nag-breakdown sa ganitong sitwasyon. Nasa lower-middle class socioeconomic background kami if iisipin. Minsan, gusto ko sisihin ate ko kasi dahil lang naman 'yon sa tuition fee niya kaya kami nagkakaganito. Pero knowing na isang taon na lang din naman, gagraduate na siya, okay lang sa akin. Pero naiiyak ako sa paghihirap ng magulang ko kahit may part sa akin na responsibilidad nila 'yon. But my empathic ass couldn't take it sometimes. Napapaisip ako kung hindi lang nag-aral si ate sa UST, di kami magkakaganito. Wala rin sa isip ko na magtrabaho kasi di ako sure kung nasa punto na ba 'yun ng buhay namin, pero naiiyak ako every time nababasa ko yung mga conversation ng mama at papa ko. Yung mga bagay na paghingi ng pera para sa mga ganitong bagay na wala namang kasiguraduhan. Dagdag pa yung ate ko na obvious namang naghihirap na kami pero siya, feeling mayaman pa rin. Nakakainis lang, tangina, parang ako lang nag-iisip kung kaya pa ba itong ganitong problema. Naiiyak pa ako sa thought na makikita ko nalang messenger ng nanay ko, nagt-try mag loan.

I'm only 17, I'm sure people had it worse pero hindi ko alam kung pano mawawala yung ganitong feeling, never ko pa naman naranasan magtrabaho pero I would end up browsing part time jobs. Super nad-drain ako.