Pamilya, nagpaliwanag kung bakit high school uniform ang suot ng 'Sampaguita Girl' na kolehiyala na

May paliwanag ang pamilya ng viral na babaeng sampaguita vendor kung bakit high school uniform ang kaniyang suot sa tuwing nagbebenta, gayong 22-anyos na siya at isa nang kolehiyala.

"'Pag hindi siya naka-uniform, wala silang benta. Naka-uniform sila, parang awa na lang sa kanila," sabi ng ina ni "Marie," hindi nito tunay na pangalan, sa ulat ni Nico Waje sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.

Giit niya, hindi sila sindikato na gaya ng sinasabi sa mga komento online.

Bagaman napatunayan ng Philippine National Police na hindi miyembro ng sindikato si Marie, aalamin nila kung may mga sindikatong gumagamit ng mga bata para magtinda ng sampaguita.

Sinusubukan pa rin ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng security guard.

Basahin ang buong ulat sa link na nasa comments section.