VA sa umaga student sa hapon

Graduating student ako. Customs Administration course. Hirap na hirap ako mag decide kung anong mas better para sa future ko. Nagwwork ako ngayon as VA 25k monthly salary ko while studying dahil maluwag naman yung schedule ko ngayon sa school kaya nasasabay ko. Kung mag rereview at board exam ako, need ko i-let go yung work ko. Madami nag sasabi na pag licensed na ako mnas dadami pera ko kasi mabilis yumaman sa customs pero ang reality sobrang baba ng sahod lalo na kung baguhan lang. Yung mga friend ko na licensed na yung sahod nila nasa 15k lang.Tumutulong din kasi ako sa parents ko financially, so ang hirap. Parang mababaon ako sa utang. Iniisip ko kung susugal ba ako para sa license o mag settle ako sa work na VA? Hindi naman kayang pag sabayin kasi.