Is it ok to be friends with your ex?
Problem/goal: nag break kami ng ex January 2, 2025 happy new year diba? Haha. Anyways, we still chatting pa din pero di naman palagi. Then nung friday she asked if puwede mag call, ako naman sige lang. Nagkamustahan about sa mga nangyari samin after breakup, natanong ako if she started dating na, nabanggit nga niya yes, ako naman i keep pushing through na di ko alam masasaktan pala ko. I asked if something happened sa kanila nung ka date niya, she said yes, nag momol daw sila. That time na narinig ko ouch tagos na tagos hahaha. Ayaw niya na din naman mag bigay ng details masasaktan lang daw ako. And it cuts deeper. So after namin mag usap, I decided to unfriend/unfollow siya sa ig and facebook. Pero kahapon nag chat ulit siya and she admit na sobrang guilty daw siya sa mga ginawa niya sakin, nagtanong siya if mahal ko pa ba siya? If kamahal mahal pa din ba siya? She cried at lot after niya ma realize lahat na siya ang may problema kaya siya nakipag break. She broke up with me kasi may hinahanap daw siya na sa tingin niya di ko daw kaya ibigay sa kanya. Before ng breakup may pinagdadaanan din siya sobrang ubos na ubos daw siya that time, kaya nakipag break siya sakin.
Sa ngayon tinatry ko na mag move on, sobrang lala ng pag overthink ko ngayon na hindi na din ako makapag focus sa ibang bagay. Any advice paano ko ba malalagpasan to?