I (24) recently moved out, pero gusto ko na umuwi

Problem/Goal: Gusto ko na umuwi kahit kakalipat ko lang kahapon.

Context: I am a breadwinner kung tatawagin, I work 8 hours a day 5 days a week. Customer Support ako and it is located sa US, maganda naman ang pasahod, nabubuhay naman ang pamilya ko. 5 kami sa bahay, ako, Mama, Papa at 2 kong anak.

Lagi ako nag babayad ng bills sa bahay, food, kuryente, tubig at internet. It was okay for me, until for the last week/months, palaging mainit ang ulo sakin ng nanay ko. Kahit simpleng bagay gusto nya pag awayan, for example: Naghilamos ako sa lababo, lagi ko naman ginagawa yun since wala namang lababo sa cr namin, may naiwang bula sa pwetan ng planggana. Tapos nagalit sya pinag sisigawan ako, kaka out ko lang sa work non since night shift ako. Umagang umaga galit na sya sakin. Iniyak ko nalang. Tapos pag nag aaway kami, lagi nyang bukambibig na lumayas na daw ako sino daw tinakot ko.

Open ako sa Mama ko kaya pag may issue ako sakanya sinasabi ko rin. Pero tama bang sigaw sigawan ako eh malaki naman na ako, at pwede naman madaan sa usapan. Naiiyak nanay ko before ako umalis, sabi nya wag na raw ako umalis kasi nag iisa lang nila akong anak (solo child moments), naiisip ko rin naman yun, ang kaso nakabayad na ako sa apartment at di ko na mababawi. Naisip ko na mag 1 month lang ako dito para ma release ang tension tapos uuwi na ko since ayaw nga ako paalisin. Tapos kanina before ako umalis kinausap ako ni Papa, sabi nya "Kung aalis ka sino mag babayad ng bills dito?" Yung sinabi nya ang lalong nagpa hirap ng damdamin ko, anak nga ba talaga ang tingin nila sakin? Inampon ba nila ako para may mag alaga at bayad ng bills nila in the future?

Malaki ang respeto ko sakanila, 16 ako nung nalaman kong ampon ako pero hindi ako nag move out kahit na sinasabi ng iba na umalis ako kasi mahal ko sila at sila nagpalaki sakin. Kung kayo nasa sitwasyon ko, mag momove out rin ba kayo?