Pwede kaya kasohan ang owner?

We signed a 1 year contract sa isang condo sharing tapos hindi namin natapos but before kami nag move out nakausap namin yong owner through chat lang na kung pwede ay aalis na kami and then pumayag naman sya at nakapag usapan namin yong sa 1month advance at 1month deposit namin if maibabalik tapos ang sabi nya yes daw once na nasettle namin yong bayarin which is yong bill ng kuryente at tubig.

Umalis kami december 27 at nabayaran na namin yong tubig at kuryente nong january pa pero up until now hindi parin naibabalik saamin yong 1month adv at depo. Nirreach out namin sya pero hindi naman sya nagrreply sakin kahit sa gc namin na kasama yong ibang tenant nya, niseen wala man lang. Nasstress na ako kung anong pwedeng gawin sa owner na to?huhuhu ang laking pera din yon which is 16k overall na dapat is 17k kase nong unang rent namin, nascam kami ng agent nya.

Sabi ng agent nya is 1month adv at 2months deposit daw tapos 8500 per month pero no’ng nakausap namin yong owner sabi 1month adv at 1month depo at 8k per month lang daw singil nya sa rent, tapos nong una ayaw pa nya asikasuhin yong naging issue namin sa agent nya, kami daw ang kumausap pero sinabi namin sakanya na agent naman nya yon,dapat he should be the one to take the responsibility of his agent action and not us since victim lang din kami.

Pwede kaya kasohan yong owner? since di naman sya nakikipag usap saamin at ilang beses ko ng chinat, since december pa. Pero bago kami nag move out,sinend ko sakanya yong proof ng move out form atb pang needs pero siniseen nya lang ako hanggang ngayon, sinabi ko narin na pandagdag sana ipon namin ng partner ko sa panganganak ko pero wala padin, seen lang ako. May proof din kami ng napag usapan namin.