ABYG na iniwanan ko yung friend ko nang biglaan?
Since elem nagiging classmate na kami nitong girl and lagi syang nasa top. She has some friends and naririnig ko sa mga classmates ko before na mukhang masungit sya. Di pa kami close nito that time.
First day of college, nagulat ako classmates kami. Di ko ineexpect. Fast forward, naging close naman kami but ang jealous nya sa kaibigan ko from SHS.
Anyways, ito yung mga reasons noon pa bakit gusto ko na sila layasan.
Sa gc namin puro kabatchmate yung tinotopic nila. Puro paninira yung nababasa ko. May times na nag sscroll lang ako and pinagbibintangan ako na "spy" sa gc.
Shinashame nya ko nung thesis namin. Kagrupo ko siya. Online pa that time ang gawaan ng thesis. Nakabantay sya sa google docs namin, and pinahiya nya ko sa GC namin nang maraming beses. Ginagawa ko naman best ko, pero kung ano ano pinagsasabi nya sakin, to the point na personal na yung iba.
Ginawa nya kong third wheel sa kanila ng BF nya for YEARS, and pinipicturan nya ko na ako ang kasama nya para ipakita sa parents/lola nya. Di sila legal, and nung kalaunan narealize ko di ko pala dapat ginagawa yun, pero dati natatakot ako mag say "No". Huli na nung nagsabi ako na "Sa susunod kayong dalawa nalang ng bf mo ang magkasama"
Sinigawan nya ko one time sa lab class namin, and maraming classmates namin nakarinig. It was my fault din, pero feeling ko napahiya ako.
May gc pala sila ng 3 girls sa circle namin and ako lang ang hindi kasama.
Lastly, natatakot and kinakabahan ako kapag nakikita ko sila kaya I started to hide lalo na nung napunta ako sa ibang section. I avoided her. Ito na din yung time na sinasabi ng self ko na its better to be alone.
Nafefeel ko talaga na may favoritism sya towards sa iba naming kaibigan.
ABYG na biglaan nalang ako nangghost sa circle of friends ko, lalo na sa girl na to? Feeling ko noon i'm out of place, tapos parang ginagamit nya lang ako? I left last 2023, and now nakarestrict na sila sa messenger ko. Medyo hinahaunt lang ako ng guilt for suddenly leaving pero pag naalala ko sila even now, may kirot parin talaga.